-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang tatlong menor de edad habang nagpapagaling naman ang isa pa matapos malunod sa tubig baha sa bayan ng Milaor, Camarines Sur matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Kinilala ang mga biktima na isang 13-anyos, 12-anyos, 16-anyos, at 14-anyos na pawang mga babae.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Edwin Olitoquit, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRMO) sinabi nito na huling nakita ang mga biktima na magkakahawak kamay na naglalakad sa kalsadang lubog sa baha patungo sana sa Maharlika Highway ng nasabing bayan.

Ngunit bigla na lamang umanong nahulog sa malalim na parte ng baha ang isa sa mga biktima kung saan nahila nito ang iba pa resulta ng kanilang pagkalunod.

Ayon kay Olitoquit, agad naman umanong nagsagawa ng rescuee operation ang mga otoridad sa nasabing insidente.

Kung saan nadala pa ang mag ito sa Bicol Medical Center(BMC) ngunit dineklara ng dead on arrival ng mga doctor ang tatlo sa mga ito habang ligtas naman at kasalukuyan papagaling ang 13-anyos na biktima.

Kaugnay nito nanawagan naman ang lokal na gobyerno ng Milaor sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak dahil kasalukuyang nararanasang parin ang malalim na tubig baha.

Sa ngayon tinatayang aabot sa mahigit 900 na pamilya o 3200 indibidwal ang kasalukuyang nananatili ngayon sa mga evacuation center ng nasabing bayan.