-- Advertisements --
image 102

Nananatiling nagpapakawala ng tubig ang tatlong malalaking dam sa Luzon, simula pa noong nakaraang linggo.

Ito ay dahil pa rin sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi Luzon, dulot ng lalo pang lumalakas na Habagat.

Kinabibilangan ito ng Ipo Dam sa Bulacan, at Ambuklao at Binga Dam sa sa Probinsya ng Benguet.

Sa datus na inilabas ng Department of Science and Technology, nasa 101.1 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam.

Ito ay lagpas sa spilling level na 101 meters, kayat nakabukas ang .15meters na spillway gate nito.

Para sa Ambuklao at Binga Dam, bukas naman ang tig-dalawa nilang gate.

.5 meters para sa Ambuklao habang .6 sa Binga.

Nadagdagan naman ng .80 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag kayat sa kasalukuyan ay umabot na sa 202.23 ang antas ng tubig sa nabanggit na dam.