-- Advertisements --

Kumpiyansa ang pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) na makukumpleto nila ang paghahain ng tatlong mahahalagang codes sa Bangsamoro Transition Authority Parliament bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na kabilang sa tatlong pangunahing codes na ito ay local government code, electoral code at revenue code.

Maliban sa pagsasagawa ng eleksyon sa 2025, sinabi ni Ebrahim na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay prioridad sa medical at health services, education, infrastructure development at social services.

Bagaman nasa panahon pa lamang aniya sila ng transition sa nagdaang tatlong taon, ipinagmalaki nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang nakamit nilang accomplishments.

Kabilang dito ang napababang poverty incidence sa BARNN, mula aniya sa 51.6% na antas ng kahirapan noong 2020 ay naibaba nila ito sa 49.6% nitong 2022.

Ayon kay Ebrahim, naitaas din nila ang pamumuhunan sa rehiyon noong 2020 na P4 billion ay nadagdagan pa ng pagtaas na P2.8 billion nitong 2021, maliban pa sa pagiging fastest growing region aniya ngayong 2022 ng barmm.

Natutuwa naman aniya si Pangulong Marcos sa achievement na ito at nangakong ibibigay ang buong suporta ng national government sa BARMM.