-- Advertisements --

Umaapela ngayon sa Korte Suprema ang tatlong local government unit sa Metro Manila matapos na tanggalan ng karapatan ng korte ang local traffic enforcers na mag-issue ng traffic violation tickets sa mga pasaway na traffic enforcers.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Don Artes, naghain na ng motion for reconsideration ang mga lokal na pamahalaan ng Makati, Manila, at Mandaluyong sa Supreme Court para umapela sa naturang desisyon ng nasabing korte.

Aniya, sinusubukang magsagawa ng inventory ang kanilang ahensya kung ilang LGU ang maghahain pa ng apela sa korte ukol dito.

Ngunit sa ngayon ay pinaghahandaan na rin aniya ng MMDA at Metro Manila Council ang pagko-comply sa desisyon ng High Tribunal sa pamamagitan ng pagko-consolidate ng traffic regulations sa Metro Manila sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code.

Kasabay nito ay muling iginiit ni MMDA Chair Artes na dahil sa hindi pa final at executory ang naturang desisyon ng korte ay nananatili pa ring nasa status quo ang traffic regulations sa National Capital Region.