3 katao, nasugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo
CAUAYAN CITY – Nasugatan ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng motorsiklo at isang tricycle sa intersection ng Balagtas St. at Doña Aurora St. Purok Dos, Barangay Victory Norte, Santiago City.
Kinilala ang mga ang tsuper ng tricycle na si Jay-Ar Sawit, 23 anyos, binata, isang laborer, residente ng Cabarroguis, Quirino at ang sakay nito na si Joven Bolanos, 31 anyos, may-asawa, laborer at residente ng Nagassican, Santiago City
Lulan naman ng isang itim na Motorsiklo si Volleyber Delov, 26 anyos, residente ng Victory Norte, Santiago City
Sa paunang pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na binabagtas ng tricycle ang Balagtas Street patungong Barangay Calaocan habang ang motorsiklo ay galing naman sa Doña Aurora Street patungo namang Barangay Rosario.
Bigla umanong sumulpot sa daan ang mabilis na motorsiklong minamaneho ni Delov dahilan upang masalpok nito ang papatawid na tricycle.
Ang tatlong sakay ng tricycle at motorsiklo ay dinala sa Southern Isabela Medical Center dahil sa tinamong mga sugat sa katawan
Nagtamo naman ng pinsala sa kaliwang bahagi ang tricycle habang matinding napinsala ang motorsiklo.