-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang 3 tao sa naganap na aksidente sa kahabaan ng pambansang lansangan na bahagi ng Brgy. Osmeña, Ilagan City.

Sangkot sa banggaan ang isang Honda XRM 125 motorcycle na minamaneho ni Christian Adan, 23 anyos, isang promodiser at residente ng Bliss Village , City of Ilagan at isang Single Suzuki Rider na minamaneho ni Johnny Dela Cruz, 32 anyos, at residente ng Brgy. Paliueg, City of Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa City of Ilagan Police Station, binabagtas umano ng parehong sangkot na motorsiklo ang naturang lansangan patungong hilagang direksyon.

Nang dumating sa pinangyarihan ng aksidente ay huminto at nag-flasher umano ang tsuper ng Honda upang bumagtas sa kaliwang bahagi ng lansangan ngunit bigla na lamang umanong nagovertake ang tsuper ng suzuki rider na siyang sumusunod at aksidenteng nahagip o nabangga nito ang kaliwang bahagi ng motosiklo na bumangga naman sa motorsiklong nakaparada.

Tumilapon ang dalawang tsuper ng motorsiklo kasama ang isang backrider na kinilalang si Adriana Garces,21 anyos, dalaga, saleslady at residente ng Brgy. Guinatan, Lunsod ng Ilagan.

Dinala sa ospital ang mga sugatan upang malapatan ng lunas.