Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Kapitan Elmer Lorenzo ng Barangay 44, Zamboanga sa Lungsod ng Laoag na may tatlong lalaki na na-stranded sa ilog.

Ayon kay Lorenzo, kaninang madaling araw ay pumunta ang residenteng si Danny Pablo sa ilog para iuwi sana ang mga alagang hayop ngunit hindi na makauwi dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng tubig.

Dahil dito, nanatili si Pablo sa gitna ng ilog at ang ikinagalit pa ng barangay kapitan ay may pumunta pang dalawang katao kahit batid na nilang hindi sila makakabalik sa kanilang bahay.

Apela ng punong barangay na habang hinihintay pa nila ang mga rescuer ay manatili muna sa kanilang kinatatayuan at nakaantanbay sila rito.

Samantala, mahigit 20 na pamilya na ang apektado sa lalawigan kung saan pinasok na ng tubig ang kanilang bahay.