-- Advertisements --
IMG 666bc58046bc4515f40b95ae24eeb7a5 V

Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng patong-patong na kaso ang tatlong indibidwal na sangkot sa hindi otorisadong pagbebenta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) medicines.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, ang mga suspek ay sina Karen Amero, Ronaldo Ceriola at Erickson Soriano.

Nahuli ang mga suspek sa Crestly Building, Perla St., Pasay City.

IMG 79ea1965df63d5bd6cb5389cb779e4a2 V
IMG 322fc0854625d3340b156bc90dcb8c91 V
IMG 4684d51708c4a21006685cff4a90a86f V

Humaharap ang mga ito ng kasong paglabag sa RA 9711 o mas kilalang Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009 at paglabag sa RA 10918 o Philippine Pharmacy Act.

Ang kaso ay isinampa sa Office of the City Prosecutor, Pasay City pero ang mga suspek ay nasa kustodiya ng NBI at nakaditine sa kanilang detention facility sa Taft Avenue, Manila.

Nag-ugat ang pagkakaaresto ng mga suspek sa isang sulat mula kay Dr. Arnold G. Alindada, Director II, South Luzon Cluster-Field Regulatory Operations Office, Food and Drug Administration (FDA).

Hiniling daw ng doktor na imbestigahan at magsagawa ng entrapment operation laban sa tatlong suspek na nagbebenta ng mga gamot laban sa COVID-19 kabilang na ang Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib sa pamamagitan ng Facebook, Shopee at Lazada.

Base sa FDA Advisory No. 2021-0759, ang gamot na Remdesivir ay hindi pa aprubado ng FDA na gamitin bilang gamot sa covid at hindi pa ito naiisyuhan ng Certificate of Product Registration (CPR).

Kaya naman hindi pa raw ito puwedeng ibenta sa merkado.

Agad namang nagsagawa ng test-buy ang mga personnel ng FDA at dito nakumpirma ang pagbebenta ng mga suspek ng Remdesivir.

Matapos ang koordinasyon ay agad nagsagawa ng operasyon ang NBI-Anti-Graft Division (AGD) ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlo.