Sinampahan na ng kaso ang tatlong kapulisan ng Quezon city na unang humawak ng kasong panunutok ng baril ng isang dating pulis sa isang siklista.
Ang nasabing kaso ay inihain sa Peoples Law Enforcement Board (PLEB) ng Quezon City.
Ang mga kinasuhang pulis ay kinilalang sina Staff Sergeants Darwin Peralta and Joel Aviso at Executive Master Sgt. Armando Carr na sila ay kinasuhan ni Atty. Raymond Fortun ng oppression, irregularities in the performance of duties at incompetence.
Una kasing dinala sa Kamuning police station ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales at siklista na inakalang isa itong uri ng vehicular accident.
Dahil sa hindi naayos ang nasabing kaso sa Kamuning ay inilipat ang mga ito sa Galas precint at doon nagkaroon ng pag-aayos sa kaso.
Sinabi ni Fortun na malinaw na bigong maprotektahan ng PNP ang siklista kung saan hindi man lamang nila ito hinanapan ng kaniyang abogado.