Nagpaplano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsagawa ng pilot na pagpapatupad ng mga food stamps program ng administrasyon sa mga munisipalidad na apektado ng sigalot at kalamidad.
Sinabi ni Secretary Rex Gatchalian na ang pilot run ay tatagal ng anim na buwan at naglalayong makatulong sa hindi bababa sa 3,000 pamilya mula sa mga target na komunidad.
Kabilang ang Bangsamoro Region at Caraga Region.
Aniya, maaaring ganap na magsimula ang food stamp program sa unang bahagi ng 2024
Tinaguriang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program,” ang proyekto ay naglalayong tulungan ang mga target na sambahayan na tugunan ang involuntary hunger sa bansa.
Nauna nang sinabi ng DSWD na magbibigay ito ng “electronic benefit transfer (EBT) cards” na lalagyan ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para makabili ng piling listahan ng mga food commodities mula sa DSWD registered o accredited local retailers.