-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakatakdang sumailalim ngayong araw sa COVID-19 test ang nasa 3,000 market vendors at helpers sa ipinasarang Agdao Public Market.

Sa inilabas na advisory ng City Government of Davao, pansamantala munang ipapasara ang nasabing palengke simula ngayong araw. 

Ayon kay Maribeth Lumactod, head ng Davao City Economic Enterprise, may kaugnayan ito sa isinasagawa namang disinfection at testing sa lahat ng mga vendors at market workers.

Sinabi ng opisyal na hangga’t hindi maisagawa ang test sa lahat ng mga vendors, hindi pa maaring magpatuloy ang operasyon sa palengke. 

Bahagi umano ito sa precautionary measures upang maiwasan ang massive contamination sa mga empleyado ng palengke. 

Sisimulan ang rapid diagnostic test (RDT) sa mga market vendors at helpers at schedule ito na gagawin para maiwasan ang overcrowding at mapanatili ang social distancing. 

Kung maalala na isa ang Agdao sa mga distrito ng siyudad na may pinaka-maraming kaso sa Covid-19.