Nasa 3,000 katao ang lalahok sa clinical Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine mix and match o ang pagtuturok ng magkaibang brand ng covid vaccine sa isang indibidwal.
Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, ang kada grupo ng clinical trials ay magkakaroon ng 250 hanggang 500 participants.
Halimbawa raw dito ang pagtuturok sa kanila ng kombinasyon ng Sinovac-Janssen at Sinovac-Moderna vaccine.
Layon umano ng pag-aaral na malaman ang pinakaepektibong kombinasyon ng COVID-19 vaccine brands para sa mga Pinoy.
Ang mix-and-match ng COVID-19 vaccine boosters ay ibibigay sa mga mayroong mas malakas na immune response kaysa naman daw mag-focus lamang sa iisang brand ng vaccine para sa isang indibidwal.
Isasagawa naman ang pilot testing sa Marikina, Muntinlupa at Davao.