Tatlong drug suspeks patay habang 12 ang arestado sa magdamag na operasyon na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD director, CSupt. Joselito Esquivel, simultaneous ang ikinasang operasyon ng mga operatiba ng QCPD mula sa ibat ibang police stations partikular sa anti-drug at anti-criminality operations.

Kinilala ni Esquivel ang tatlong nasawing drug suspek na sina Jayson Umali, isang alias Ning at Badjok.

Nanlaban ang mga suspek sa mga operatiba sa ikinasang buy bust operations sa may Barangay pansol dahilan sa pagsiklab ng labanan.

Nasa P15,000 halaga ng shabu ang ibinenta ng mga suspek sa poseur buyer.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang isang cal.45 pistol, 1 caliber .357, 1 cal.38 revolver at ilang sachets ng shabu. marijuana at buy-bust money.

Habang inaresto din sa isinagawang buy bust operations ng ibat ibang police stations sa Quezon city ang 12 indibidwal.

Ang mga inarestong drug suspek ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o The Dangerous Drugs Act of 2002.