ROXAS CITY – Huli ang tatlong mga drug suspek sa magkahiwalay na drug buy bust operation na isinagawa ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Capiz Police Provincial Office (CPPO).

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Lt. Col. Mark Anthony Garcia, team leader ng PDEU, nahuli ang dalawang suspek sa Barangay Cagay, Roxas City na sina Zymon Balbona, 28, at Juan Delos Santos, 43, at mga residente ng Barangay Tanque kung saan nakuha sa kanilang posisyon ang anim na sachets ng pinaniwalaang shabu, P500 marked money at isang motorsiklo.

Ayon kay Garcia, matagal na isinailalim sa monitoring ang mga suspek bago ang matagumpay na operasyon ng mga otoridad.

Samantala nahuli rin ang No. 3 Directorate for Intellligence (DI) listed ng Capiz-PPO na si Hans Wilhalm Demalata, 25, ng Sitio Caduolan, Barangay Banica, sa lungsod.

Narekober naman sa posisyon ng arestado ang pitong sachets ng pinaniwalaang shabu, cellphone at P500 na marked money.

Nakatakdang sampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.