Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DoJ) na muling isailalim sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) anti body testing ang mga empleyado dahil sa pagpositibo ng ilang kawani nito.
Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, kaagad na aniyang na-isolate ang dalawang technical staff at isang organic security personnel ng DoJ.
Bagamat kaagad isinara at isinalalim sa disinfection ang tanggapan ng techical staff ng DoJ ay ipinag-iutos ng kalihim na muli itong isailalim sa matinding disinfection ngayong darating na weekend.
Paliwanag pa ng kalihim, ipag-uutos ang panibagong round ng anti-bodies testing para sa DoJ proper sa lalong madaling panahon.
Matatandaang nitong nakalipas na buwan ay ipinag-utos ni Sec. Guevarra na isailalim sa 14 na araw na lockdown ang buong kagawaran matapos namang maraming nagpostibo sa covid rapid testing na mga empleyado ng DoJ.