-- Advertisements --

Kapwa nagka-countdown ang mga half Pinay na sina 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray at 2019 Binibining Pilipinas Universe Gazini Ganados sa nalalapit na coronation ng 68th Miss Universe pageant.

Pero bago ipasa ng 25-year-old Australian beauty mula Bicol ang kanyang korona, sasalang muna ang 23-year-old Palestinian beauty mula Zamboanga sa preliminary competition sa ngayong December 6 (Dec. 7, Ph time).

“Time really flies so fast when you’re having fun! 😁💗 Can’t believe it’s only two days before the preliminary competition and national costume show!” saad ni Ganados.

Hanggang bukas na lamang din ang online voting contest para sa nasabing prestihiyosong pageant.

Libre lamang ito sa pamamagitan ng pag-click sa “green star” sa tapat ng pangalan ni Gazini sa official Miss Universe website.

Maaari rin namang bumoto ng ilang beses ang mga fans pero ito ay mayroon nang bayad dahil sa tinatawag na bundles.

Ang mga kandidatang makakahakot ng maraming boto ay otomatikong pasok sa Top 20.

Samantala, inamin ni Ganados na namimis na nito ang mainit na panahon sa Cebu kung saan siya ipinanganak pero hindi naman siya nagrereklamo.

Gazini misses Phl

Katunayan ay enjoy ito habang nasa Atlanta, Georgia, kung saan bonding sila ng ibang kandidata ng Miss Universe, lalo na ang makaharap si Catriona.

“Mabuhay Philippines! Finally, a selfie with the Queen @catriona_gray 👑 Thank you for bringing pride to our country! 🇵🇭❤️” caption nito sa kanilang bagong larawan.

Sa darating na December 9 (Manila time), tatangkain ni Gazini na maibigay sa bansa ang panglimang Miss Universe crown.

Una nang naiulat na ibibida nito sa big day ang “phoenix walk” na aniya’y parang lumilipad ang pakiramdam habang nasa Miss Universe stage.

Inilarawan niya naman bilang “gorgeous” at tila pinakabonggang irarampa ng Pilipinas ang kanyang magiging national costume may “touch” ng ating pambansang ibon.