Mananatili pa ring “lifted” ang number coding sa mga sasakyan, ilang araw bago ang pagsisimula ng general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region.

Pahayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos bahain ng karaniwang tanong kung ibabalik na ba ang number coding sa darating na Lunes, June 1.

Sa kanilang official Twitter account, aktibo naman sa pagsagot ang MMDA na “lifted until further notice” ang number coding.

Hintayin na lamang daw ang magiging final guidelines tungkol dito.