CEBU CITY – Idineklara ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang city-wide mourning period ngayong araw hanggang sa Pebrero 5 kaugnay sa pagpanaw ni dating Sen. John Henry “Sonny” Osmeña.

Pinirmahan ngayong araw ni Labella ang Executive Order No. 119 na nag-uutos sa mga government agencies, tanggapan at ibang installation ng lungsod na ilagay sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa loob ng tatlong araw bilang pagluluksa sa pagpanaw ni Osmeña.

Una rito, nagpaabot ng pakikiramay si Labella sa pamilya at kamag-anak ng dating senador.

Binigyang-diin ng alkalde na isang “great statesman” si Osmeña dahil isa itong dedicated na public servant lalong-lalo na sa pakikipaglaban sa korapsiyon.

Kung maaalala, pumanaw si Osmeña dahil sa kumplikasyon umano ng colon cancer batay na rin sa inihayag ng media consultant nito na si Ferliza Contratista.

-- Advertisement --