-- Advertisements --
Nagpositibo sa nakakalasong red tide ang tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao.
Sa inilabas na advisory mula sa Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR), nadiskubre na mayroong paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit ang katubigan sa Dauis at Tagbiliran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ayon sa BFAR, lahat ng uri ng shellfish at acetes sp. o alamang na makukuha mula sa nabanggit na mga lugar ay hindi ligtas para sa human consumption.
Subalit ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas na kanin basta’t ang mga ito ay sariwa, nahugasan ng mabuti at natanggal ang internal organs gaya ng hasang at bituka bago lutuin.