-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah Terror Group (DITG) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga rebelde na sina Ustadz Yasser Saligan alyas Ustadz,Norudin Dalinding alyas Survivor at Omar Tatang alyas Jo.

Sumuko ang tatlong BIFF sa tropa ng 40th Infantry Battalion Philippine Army sa ilalim ng Joint Task Force Central ng 6th Infantry (Kampilan) Division.

Dala ng mga terorista sa kanilang pagsuko sa militar ang isang M14 rifle,isang M1 Garand rifle,dalawang 81 mm projectile at mga bala.

Sinabi ni Saligan na nabulag lamang sila sa maling pangako ng mga terorista at ginamit sa kanilang sariling interes.

Gusto na din na mamuhay ng mapayapa ang mga rebelde kasama ang kanilang mahal na pamilya.

Inihayag din ni 40th IB Commander Lieutenant Colonel Rogelio Gabi na nagising na ang mga rebelde sa kanilang maling pinaglalaban at napabayaan pa ang kanilang pamilya.

nga ang mga rebelde nakaamgo nga sila nakig-away sa sayup nga hinungdan ug gipasagdan ang ilang mga pamilya.

“The unit is grateful to the surrenderers for making the right decision and I welcome them into a life full of hope and peace of mind,” ani Gabi.

Umaasa naman si Joint Task Force Central Commander at 6th ID Chief,Major General Diosdado Carreon na maraming mga rebelde pa ang susuko at makabenepisyo sa handog ng pamahalaan para sa kanilang kabuhayan.