-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlong mga terorista ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander DM ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sumuko ang mga rebelde sa mga tauhan ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa Northern Kabuntalan Maguindanao.

Dala ng mga terorista sa kanilang pagsuko ang isang .caliber 50 barret sniper rifle,isang M14 rifle at mga bala.

Sinabi ni alyas Kuhib na gusto na nilang magbagong buhay kasama ang kanilang mahal na pamilya.

Hindi na rin nila maintindihan ang pinaglalaban ng BIFF at handa silang tumulong sa gobyerno laban sa mga masasamang grupo sa Maguindanao at North Cotabato.

Todo pasasalamat naman si 34th IB Commander Lieutenant Colonel Gleen Caballero kay Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra Ramil Dilangalen na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde at nagbigay ng tulong.

Hinikayat naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang BIFF,NPA at mga Armed Lawless Groups (ALGs) na sumuko na,magbagong buhay at tutulungan sila ng gobyerno.