LEGAZPI CITY- Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa mga karagatan sa bayan ng Milagros, Cawayan at San Pascual, Masbate matapos na makasama sa 20 LGUs na pinangalanan ng DILG na umano’y talamak sa paggamit ng pinagbabawal na super lights.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Nonie Enolva ang tagapagsalita ng BFAR Bicol, nakipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal ng naturang mga bayan na nangako namang makikipagtulungan sa pagpuksa sa iligal na uri ng panghuhuli ng isda.
Ang superlight fishing ay ang paggamit ang malakas na liwanag sa gabi sa nakakakua ng atensyon ng mga isda kung kaya’t mas mabilis itong mahuli.
Sa ilalim ng batas ipinagbabawal ang paggamit nito ng mga commercial fishing vessels lalo na sa municipal waters upang mabigyan ng tyansa ang mga maliliit na mangingisda.
Nagbanta naman ang opisyal na agad na sasampahan ng kaso ang mga mahuhuli pa rin na sangkot sa iligal na uri ng pangingisda.