-- Advertisements --
image 394

Mag-aalok ng tatlong araw na libreng sakay ang pamunuan ng Mass Rapid Transit-3(MRT-3) para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Magsisimula ito sa araw ng Lunes, Setyembre-18.

Ito ay bilang pakikiisa ng naturang tanggapan sa pagdiriwang ng ika-123rd na anibersaryo ng Philippine Civil Service

Paliwanag ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, bahagi rin ito ng pasasalamat ng MRT3 sa serbisyo at sakripisyo ng mga kawani ng pamahalaan.

Ang libreng sakay ay maaaring mapakinabangan ng mga government employees sa kabuuan ng operasyon ng MRT3, mula sa araw ng Lunes hanggang sa araw ng Miyerkules, Sept20.

Kailangan lang na ipakita ang mga government ID sa mga security personnel ng mga istasyon nito.