CAUAYAN CITY- Nalunod at namatay ang 3 anyos na bata matapos mahulog sa mini dam ang sinakyang motorsiklo habang nakaligtas naman ang kanyang ina at tiyuhin na nagmamaneho sa Kasibu, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa NVPPO, ang nasawi ay si Hazel Jose, tatlong taong gulang, residente ng Alloy Kasibu, Nueva Vizcaya;
Isang concerned citizen ang nag-ulat sa Kasibu Police Station sa pagkakahulog sa mini dam nang magkakamag-anak na sakay ng isang motorsiklo .
Batay sa ulat ng Kasibu Police Station , isang Concern citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa kanilang himpilan kaugnay sa pagkakahulog ng motorsiklong sinakyan ng mga biktima sa isang mini dam .
Agad na nagtungo sa Lugar Ang ilang awtoridad kabilang ang Kasibu Police Station, BFP at MDRRMO Kasibu pangunahin na sa mini dam overflow bridge na nagdudugtong sa barangay Poblacion at barangay Alloy.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na lulan ang biktima ng pulang motorsiklo kasama ang kanyang ina at tiyuhin na driver nang piliting tumawid sa Mini Dam overflow bridge.
Bagamat hindi malakas ang daloy ng tubig, natangay ng agos ng tubig motorsiklo at sakay na mga biktima .
Nagawa umanong makaahon sa tubig ng ina at tiyuhin ng bata habang hindi nila agad nakita ang bata.
Sa isinagawang search And retrieval operation ng mga otoridad ay natagpuan ng isang rescue volunteer ang batang wala nang buhay 800 meter ang layo mula sa mini dam overflow bridge.
Inihatid ng mga kasapi ng Kasibu Police Station ang bangkay ng bata sa kanilang tahanan sa barangay Alloy.