-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa 12 ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa North Cotabato.
Sa datos ng Department of Health (DOH-12) ang pinakahuling nagpositibo sa COVID-19 ay tatlong taong gulang na batang lalaki mula sa bayan ng Midsayap, Cotabato.
Nagpositibo sa RT-PCR Test sa COVID ang bata at patuloy pang inaalam ang kanyang travel history.
Nasa pagamutan ang biktima at maayos na ang kondisyon at ito ay asymptomatic.
Nagsagawa na rin ng contract tracing ang Municipal Health Office (MHO) sa mga kamag-anak at pamilya ng bata na nakasalamuha nito.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng Cotabato Inter-Agency Task Force ang pagpapatupad ng mga health protocols kontra COVID-19.