PAMPANGA – Tiwala ang two-time SEA Games gold medalist ng Team Philippines sa larangaran ng wrestling na masusungkit muli ang gold medal sa nalalapit na laban sa nagpapatuloy na SEA Games 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Margarito Agana Jr. gold medalist noong SEA Games 2009 at 2011, sabik na sabik na raw itong masungkit muli ang gold medal sa kanilang nalalapit na laban.

Puspusan umano ang ginagawang pag-eensayo para masigurong matatalo ang mga atleta mula sa ibang bansa na makakalaban.

Kondisyon din na umano ang kanilang kawatan maging ang kanilang mga kasamahan na sasabak sa laban.

Samantala, ayon kay Melchor Tumasit ang coach ng wrestling Team Philippine, sisikapin umano ng kanilang mga atleta na makapaghakot ng maraming gintong medalya sa larangan ng wrestling.

Tiwala siya sa mga atleta nito dahil puspusan ang kanilang ginawang pag-eensayo at sa katunayan pumunta pa sila sa bansang Russia para matutukan ang kanilang training.

Kung papalarin aniya, nasa 10 medalya ang kanikang masusungkit sa wrestling competition. (report by Bombo Rommel Campos)