-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patutunayang muli ng mga taga – Mindanao ang pagsilbing tahimik maging ligtas ng pangkalahatan at kaya pangalagaan ang domestic at foreign tourists na gustong pumunta para magbakasyon labas ng Imperial Manila.

Kaugnay ito sa pangalawang taon na paglunsad ng Department of Tourism ng Mindanao Travel Expo 2024 sa Atrium,Limketkai Mall,Cagayan de Oro City simula Abril 26 hanggang 28 nitong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni DoT-10 operations officer Juan Carlos Valentino Baclig na layunin ng travel exposure na dadaluhan ng tourism stakeholders ay upang tuluyan nang iwaksi ang ‘stigma’ na magulo ang rehiyon.

Aniya,mismo si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang magsagawa ng grand opening ng Mindanao Travel Expo habang maparito rin ang kanyang mga assistant at undersecretaries.

Dagdag ni Baclig na highlight rin sa expo ang partisipasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim (BARMM) dahil hindi sila nakasali ng travel expo sa Davao City noong narakaraang taon.

Tinatayang nasa higit 300 exhibitors ang makilahok mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na dadaluhan rin ng Mindanao local elected officials.