Malapit na umanong matapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pmaimigay sa ikalawang tranche ng social amelioration program para sa mga Pilipino.
Ayon kay DSWD Usec. Rene Paje, aabot na ng P83.5 million ang naipamahaging ayuda sa mga beneficiaries. Batay aniya ito sa datos ng digital at manual pay-out ng kagawaran.
May kabuuan naman na 13.9 milyong Pilipino ang nabigyan na ng ikalawang bugso ng ayuda. Nasa 98 percent na rin daw ang accomplishment rate ng DSWD para rito.
Ang natitirang porsyento naman ay para sa mga benepisyaro na may “quality issues” o mga kulang-kulang ang impormasyon. Ang iba naman daw ay nakalagay sa geographically isolated ares na hirap maabot ng DSWD.
Sa kabila nito ay ginagawa naman aniya ng ahensya ang lahat upang maakumpleto ngayong taon ang pamimigay ng pangalawang tranche ng SAP.