-- Advertisements --

Hindi magbibigay ng 2nd booster dose kontra covid 19 sa general population ang pamahalaan dahil lamang sa mai expire na ang mga ito.

Sinabi ni dr. edsel Salvana, isang infectious disease expert at miembro ng doh technical advisory group na walang saysay na magbigay ng 2nd booster dose sa general population nang wala namang ebidensiya o basehan na mabisa ito.

Dapat aniyang mangibabaw ang mga basehan na may makukuhang benepisyo ang mga tuturukan nito kesa ang rason na malapit na kasing mapaso kaya kailangan na itong iturok.

Sa ngayon sinabi ni salvana na kulang pa ang mga pag aaral para sabihin na mabisa at pwede nang mabigyan ng 2nd booster dose ang general population.

Ang meron lang aniyang ebidensiya sa ngayon ay mabisa ito para sa mga 60 taong gulang pataas at sa mga immune compromised individuals.

Kaugnay nito, iginiit ni salvinia na dapat tutukan muna ngayon ang pagbibigay ng 1st booster dose dahil kokonte pa lang din ang natuturukan nito.