Umabot sa 2nd alarm ang sunog na sumiklab sa isang commercial building sa Sampaloc, Maynila.

Pasado alas-5:00 nitong hapon ng ideklarang fire under control ang nasabing establisyemento na nasa tapat lang ng Far Eastern University (FEU) sa Morayta street.

Ginamitan ng oxygen tanks ng mga bumbero ang sunog dahil sa kapal ng itim na usok mula sa nasunog na gusali.

Batay sa inisyal na ulat ng mga otoridad, kabilang sa mga nasunog ang ilang kainan at bilyaran na nasa loob ng nasunog ng establisyemento.