Aabot sa mahigit 200 mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front ang pawang mga bagong miyembro ngayon ng Philippine National Police.
Ito ay matapos ang isinagawang oath-taking at turnover of ceremony ngayong araw para sa mga dating miyembro ng naturang mga liberation front bilang bagong recruit sa kapulisan na ginanap naman sa Camp Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte sa pangununa ni Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr.
Mula sa naturang bilang 255 na mga lalaki at 39 na mga babaeng dating kaanib ng MILF, at MNLF ang nanumpa bilang bagong mga pulis sa ilalim ng recruitment program nito nito.
Ang kabuuang 294 na mga bagong pulis na ito ay itatalaga sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) para punan ang nasa 400 slots na inilaan para sa MILF at MNLF Recruitment Program para sa CY 2023.
Ito ay matapos silang makapasa sa comprehensivee medical assessmentna kinabibilangan ng psychologic at psychiatric examinations, at drug tests.
Ang mga ito ay nakalusot din sa mahigpit na recruitment process ng PNP na kinabibilangan ng special qualifying eligibility examination at physical agility test.
Ngunit gayunpaman ay isasailalim pa rin ang mga ito sa anim na buwang field training program ng Pambansang Pulisya.
Samantala, kaugnay nito ay nagpaabot naman ng pagbati si DILG Sec. Abalos para sa naturang mga bagong pulis, kasabay ng kaniyang hamon sa mga ito na tapusin ang naturang training program at magsilbi rin bilang inspiasyon sa iba pa nilang mga kasamahan sa MILF, at MNLF na magbalik-loob sa pamahalaan at bansa na bahagi na rin ng pagkamit sa peace at sustainable development.
Kung maaalala, ang pagpasok ng mga dating miyembro ng MILF at MNLF sa Pambansang Pulisya ay alinsunod Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law matapos na malagdaan sa ilalim naman ng peace agreement ng pamahalaan at ng MILF.