-- Advertisements --

Umabot na sa 29 katao ang nasawi sa patuloy na Ebola outbreak sa Uganda.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na mayroon na ring 63 probable case ang naitala sa nasabing bansa.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi rin ligtas ang mga medical workers dahil nahahawaan din ang mga ito.

Mula ng unang madiskubre ang outbreak sa central district ng Mubende ay kumalat na ang infections sa Kassanda, Kyegegwa at Kagadi.

Wala namang balak si Uganda President President Yoweri Museveni na magpatupad ng lockdown.

Ang Ebola ay ipinangalan sa ilog sa Democratic Republic of Congo kung saan ito ay na-diskubre noong 1976.