-- Advertisements --

Patay ang 29 katao matapos ang pagbagsak ng military transport plane sa Crimea.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng defense ministry ng Russia na posibleng nagkaroon ng technical malfunction ang eroplano.

Ilang minuto lamang pagkatapos ang paglipad nito ng bigla itong bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Crimea.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng anim na crew members at 23 pasahero.

Walang naitalang nakaligtas sa pagbagsak ng AN-26 plane na isang light tactical military transport.

Ang nasabing uri ng eroplano ay ginagamit na mula pa noong 1960.