-- Advertisements --

Umakyat na sa 29 inmates at personahe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang namatay dahil sa COVID-19.

Sinabi ni BJMP spokesman Chief Inspector Xavier Solda na 25 mula sa 1,987 inmates na nagpositibo sa virus ang namatay habang 88 ang patuloy pang nagpapagaling.

Nasa 1,017 BJMP personnel naman ang nagpositibo sa deadly virus kung saan 32 pa ang active cases habang lima ang patay.

Nilinaw naman ni Solda na bumaba ang bilang ng kaso ng coronavirus dahil sa kanilang mahigpit na implementasyon ng health protocols.

Napag-alaman na nananatiling suspendido pa rin ang mga pagbisita sa piitan hanggang sa Christmas holidays.

Maaari lamang makikipag-communicate ang mga inmate sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng social media platforms sa mga detention facilities.