Umabot na sa P43 million ang nairehistrong halaga ng pinsala na idinulot ng ashfall sa mga sakahan sa Bicol Region, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Pinakamalaki ang naitala sa probinsiya ng Albay kung saan 11 barangay nito ang nabis na apektado ng ashfall.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang assessment at validation na ginagawa ng DA ngunit umabot na sa 228 magsasaka ang kumpirmadong apektado.
Mahigit 530 ektarya ng mga sakahan ang nakapaloob sa 6-kilometer danger zone ng bulkang Mayon na tinatamnan ng mais, high value crops, atbpang mga pananim.
Pinangangambahan ng DA labis na apektado ang mga ito sa ashfall, pagbagsak at paggulong ng malalaking tipak ng bato, atbpang pinsalang dulot ng tuloy-tuloy na pag-alburuto ng bulkan.
Sa kasalukuyan kasi ay hindi pa ito magawang iberipika dahil sa ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Permanent Danger Zone.
Inaasahan ng DA ang tuloy-tuloy na paglobo ng pinsala sa sektor ng pagsasaka habang nagpapatuloy din ang mga aktibidad ng aktibong bulkan. (report by Bombo Jai)
















