Nakapagtala ng mataas na death cases ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw bunsod ng 29 reported deaths.
Sa ngayon, 136 na ang total na bilang ng mga namatay dahil sa nasabing virus.
Pumapangalawa na tayo sa Indonesia sa may pinakamaraming death case sa Southeast Asia na ngayon may higit 170 reported na namatay.
Pero paliwanag ni Dr. Beverly Ho, ang special assistant ni Health Sec. Francisco Duque, ang biglang dami sa bilang ng mga namatay ay bunsod ng late reporting sa mga nauna ng death case.
Huling nakapagtala ng mataas na daily reported death ang DOH noong March 28 kung saan 14 ang naiulat na namatay.
Samantala, tumuntong na ng 3,000 mark ang mga positive cases sa bansa dahil 385 na bagong kaso.
Sa mga recoveries naman, ito na ang ikalawang sunod na araw na isa lang nang naitatalang gumaling.