-- Advertisements --
Pinagbawalan ng Russia na makapasok sa kanilang bansa ang 29 na mga British journalist.
Ayon sa foreign ministry office ng Russia, na kinabibilangan ito ng mga journalists mula BBC, Times, Daily Telegraph, Guardian, Daily Mail, Independent newspapers, Sky, Channel 4 at ITV.
Paliwanag ng Moscow na ang hakbang ay bilang kasagutan sa sanctions mula sa western countries sa kanila ganun ang pag-pressure sa mga media outlets na pinapatakbo ng gobyerno matapos na lusubin nila ang Ukraine.
Nauna ng sinabi ng Russia noong Abril na hindi nila pagbabawalan ang mga dayuhang journalists at sa halip ay maghihigpit lamang sila sa mga panuntunan na ipinapatupad sa mga hindi nila kaibigang bansa.