May 288 pasyente ng COVID-19 na ang naka-enroll sa ginagawang solidarity trial o malawakang clinical trial ng World Health Organization (WHO) sa ilang uri ng gamot na posibleng laban sa virus na SARS-CoV-2.

Batay sa ulat ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ng Department of Science and Technology, sinasalamin ng bilang ang lagpas sa kalahati naa 500 patient target ng bansa.

Sa ilalim ng solidarity trial, apat na uri ng “off-labeled” drug o mga gamot na ginawa bilang lunas sa ibang sakit ang gagamitin.

Sa ngayon, 75 pasyente daw ang binigyan ng lopinavir-ritonavir, na orihinal na dinisenyo anti-HIV.

Ang anti-Ebola drug naman na remdesivir ay na-distribute sa 59 na pasyente.

Habang ang pinag-uusapang hydroxychloroquine, na uri ng anti-malaria drug ay binigay sa 66 na pasyente.

Kung maaalala pinahinto ng WHO ang paggamit sa nasabing gamot dahil tila pinalala nito ang mortality rate sa COVID-19 patients.

Samantala, 88 local patients na enrolled sa solidarity trial ang isinailalim sa standard of care.

Ang global target sa ilalim ng nasabing clinical trial ay 5,000 pasyente.