-- Advertisements --
Nasa 28 factory workers sa Bataan ang nagpositibo sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Galing umano ang mga ito sa iba’t ibang foreign companies sa Authority of the Freeport Area ng Bataan (AFAB).
Ayon kay AFAB Administrator Emmy Pineda, nagpositibo ang mga ito nang isagawa nila ang COVID-19 testing.
Dahil dito ay napilitan ang mga otoridad na i-lockdown ang nasabing lugar para isagawa ang dissinfection.
Inilagay din sa isolation ang mga nagpostibong manggagawa.
















