Aabot sa 275 na mga tauhan ng Bureau of Corrections ang inaasahang masisibak sa trabaho matapos na bigong makumpleto ang hinihinging eligibility at educational requirements sa ilalim ng batas.
Minamandato kasi sa ilaim ng Republic Act No. 10575 o ang Bureau of Corrections Act of 2013 ang professionalization at upgrading ng standards sa pagtatalaga ng personnel.
Sa ilalim nito ay binigyan ng limang taon ang mga tauhan ng nasabing kawanihan na kumuha ng minimum educational qualification and eligibility.
Ngunit bagama’t naipasa ang naturang batas noong taong 2013 ay noong taong 2018 na lamang inaprubahan ng Civil Service Commission ang qualification standards nito.
Ibig sabihin, noong nakalipas na taong 2013 ay naglapsed na ang five-year deadline na itinakda ng batas.
Samantala, dahil naman sa pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa ay mas pinalawig pa ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang deadline nito hanggang Marso 16, 2024.
Kaugnay nito ay umapela naman si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. kay Justice Sec. Remulla kasabay ng paghimok sa mga apektadong tauhan ng kawanihan na magrekomenda ng kanilang mga kaanak na maaaring ma-accomodate at magtrabaho sa kagawaran basta’t kwalipikado ang mga ito sa naturang trabaho.