-- Advertisements --
Patay ang 27 katao matapos ang paglubog ng dalawang migrant boats sa karagatang bahagi ng Tunisia.
Ang unang bangka ay umalis mula Tunisia patungong Italy na mayroong 37 kataong sakay kung saan 20 ang nawawala at 17 ang nailigtas.
Mayroong 36 katao naman ang sakay ng ikalawang bangka kung saan mayroong tatlong nawawala.
Gawa lamang sa manipis na yero ang nasabing bangka na siyang naging sanhi ng paglubog nito.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.