-- Advertisements --
Patay ang nasa 27 katao matapos ang naganap na sunog sa isang nightclub sa Istanbul, Turkey.
Sa nasabing insidente ay mayroong walong iba pa ang sugatan kung saan pito sa kanila ang nasa malubhang kalagayan.
Ayon sa mga otoridad na naganap ang sunog sa Besiktas district sa central Istanbul.
Pawang mga construction workers ang nasawi dahil kasalukuyang inaayos ang nasabing nightclub.
Ayon kay Turkish Justice Minister Yilmaz Turic na kanilang inaresto ang limang katao na kinabibilangan ng manager ng nightclub at ang isang responsable sa renovation.