-- Advertisements --
Nasa 265 na mga Chinese ang inaresto sa operasyon ng isang iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Las Pinas City.
Pinangunahan ng National Capital Police Regional Office ng PNP ang operasyon sa isang hotel sa nasabing lungsod.
Lumabas na walang anumang dokumento o permit ang nasabing POGO.
Nakuha sa kustodiya ng mga ito ang 110 na laptop computers, 96 desktop computers, 467 na cellphones at P6.5 milyong halaga na pera ilang mga foreign currency at mga gadgets ng mga suspek.
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong suspek.