-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng mas mababa pang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na umaabot lamang na 263.

Nasa ikatlong araw ngayon na sunod na mababa pa sa 300 ang daily tally ng DOH.

Dahil dito ang kabuuang tinamaan ng virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 2,837,730 na.

Mayroon namang naitalang 390 na mga bagong gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa ay kabuuang 2,777,354 na.

Sa ngayon nasa 9,592 na lamang ang mga aktibong kaso.

Ito na ang itinuturing na pinaka-lowest na bilang mula May 21, 2020.

Samantala meron namang 45 na nadagdag na mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus mula noong nakaraang taon ay nasa 50,784.

Sa kabila nito mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.

“Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 18, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 17 labs na ito ay humigit kumulang 7.8% sa lahat ng samples na naitest at 4.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH advisory.