LAOAG CITY – Naaresto ang lider ng isang drug group sa ikinasang drug buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), INPPO at PNP-Sarrat sa Barangay 20 sa lungsod ng Laoag.
Kinilala ni Police Chief Master Sergeant Harold Nicolas, namumuno ng PDEU, ang suspek na si Benigno Menrige alyas Bonet, 49-anyos, at residente ng Barangay 14, Laoag City.
Ayon kay Nicolas, noong nakaraang taon pa nila minomonitor ang naturang suspect.
Nakumpiska kay Menrige ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may halahagang P5,000 piso, na binili ng nagpakilalang poseur buyer, kasama ang 21 pang sachet ng naturang iligal na droga at mga drug paraphernalia.
Napag-alaman na dating empleyado ng Pamahalaang Lungsod at naarestong suspek.
Sinabi ni Nicolas na high value individual ng INPPO, Top 10 sa Regional Watchlist ng Police Regional Office 1 at ang lider ng Menrige Drug Group at naarestong suspek.
Nauna nang naharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 ang suspek pero nakalabas ng kulungan kasunod nang apela sa Court of Appeals.










