-- Advertisements --

Nakatakdang angkatin ng Department of Agriculture (DA) ang 25,000 tonelada ng isda sa huling kwarter ng 2024.

Ito ay para matiyak ang sapat na suplay ng isda sa loob 3 buwang closed fishing season na magsisimula sa November 1 sa katubigan ng hilagang silangan ng Palawab at mula November 15 sa baybayin ng Visayas at Zamboang Peninsula.
Ang nabanggit na mga lugar ay
spawning grounds para sa mga isda gaya ng sardinas at mackerel.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inaasahang darating sa bansa ang mga aangkatong isda bago ang Enero 15, 2025.

Kabilang sa mga frozen fish commodities na aangkatin ay ang round scad, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish kung saan nasa 80% dito ay ilalaan para sa commercial sector habang ibibigay naman ang natitirang 20% para sa fishing assocoatiins and cooperatives.