-- Advertisements --

Arestado ang nasa 25 katao sa Germany dahil sa planong pagpapatalsik ng gobyerno.

Ang grupo ng mga far-right at mga dating military ay naghahanda para sa “Day X” storm sa Reichstag parliament building at agawin ng kapangyarihan.

Isa sa mga naaresto na kinilalang si Heinrich XIII mula sa dating aristocratic family na siyang lider ng grupo.

Tiniyak ni Interior Minister Nancy Faeser na kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.

Naniniwala ito na mayroong mahigit 50 katao ang bahagi ng grupo na iginaya nila sa Germany 1871 state na empire na tinawag na Second Reich.