-- Advertisements --
Patay ang nasa 25 kababaihan matapos ang naganap na riot sa kulungan ng mga babae sa Honduras.
Ayon kay Yuri Mora ang tagapagsalita ng prosecutors’ office na sumiklab ang gulo sa Centro Femenino de Adaptación Social (CEFAS) prison.
Ang nasabing women’s penitentiary ay may layong 20 kilometero mula sa Tegucigalpa city.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng madugong riot dahil noong 2019 ay 18 ang nasawi dahil sa labanan ng mga gang habang 350 ang nasawi matapos ang sinadyang pagkasunog sa kulungan noong 2012.