-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) matapos madiskubreng hindi rehistrado ang iba’t-ibang gamot at food products na ibinebenta ngayon sa merkado.

Nasa 25 gamot at food product na gawang China at Hong Kong ang pinangalanan ng FDA sa kanilang advisory. Ilan sa mga ito ay tableta at liquid para sa injection na gamot, eyedrops, hydrochloride gel at mga treatment cream:

  1. Lindane Cream
  2. Diclofenac Sodium Sustained-Release Capsules
  3. Roxithromycin Capsules
  4. Shyndec® Finasteride Tablets
  5. Halcinonide Cream 10g
  6. HaCon Tinidazole Tablets 0.5g
  7. WZX® Omeprazole Sodium for Injection 40 mg
  8. OTC Viaminate and Vitamin E Cream
  9. Neomycin Sulfate and Fluocinonide Cream
  10. Azithromycin Dispersible Tablets 0.25g
  11. Cisapride Tablets
  12. Jucishan® Vitamin C Injection 2ml:0.5g
  13. OTC Colloidal Bismuth Pectin Capsule
  14. Ciprofloxacin Hydrochloride Cream
  15. Benzyl Alcohol Injection 2ml:40mg
  16. Hydrobenzole Hydrochloride Eye Drops 8ml:8mg
  17. Yunpeng® Tetracycline Tablets
  18. OTC Compound Salicylic Acid Liniment 15ml
  19. Levonorgestrel and Quinestrol Tablets
  20. OTC Paracetamol Tablets
  21. CSPC Ceftriaxone Sodium for Injection 1.0g
  22. Ribavirin Granules 50mg
  23. OTC Lincomycin Hydrochloride and Lidocaine Hydrochloride Gel
  24. OTC Vitamin C Tablets
  25. Dawnrays Cefoperazone Sodium and Sulbactam Sodium for Injection 1.0g

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, napatunayan sa isinagawang Post-Marketing Surveillance ng ahensya na hindi dumaan sa prosesoang registration at walang Certificate of Product Registration ang naturang mga gamot at produkto.

Ibig sabihin, iligal ang pagbebenta sa mga naturang produkto at gamot, at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

“FDA Post-Marketing Surveillance (PMS) activities have verified that the abovementioned drug products have not gone through the registration process of the Agency.”

“Thus, the Agency cannot guarantee its quality, safety and efficacy. Therefore, consumption of such violative products may pose potential danger or injury to health.”

Sa ilalim ng Republic Act No. 9711, ipinagbabawal ang paggawa, pag-aangkat, pagbebenta, promotion at pamamahagi ng ano mang health products na walang authorization ng FDA.

Makikita sa website ng FDA ang listahan ng mga pinangalanang gamot at food product.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga establisyemento na huwag ibenta ang mga naturang produkto at gamot hangga’t walang authorization.

Ang mga local government unit naman at law enforcement agencies ay inaatasang tiyakin na hindi maibebenta sa kanilang mga nasasakupan ang mga ipinagbabawal na gamot at produkto.

“All Local Government Units (LGUs) and Law Enforcement Agencies (LEAs) are requested to ensure that these products are not sold or made available in their localities or areas of jurisdiction.”

Kamakailan nang kumpirmahin ng ahensya na rehistrado na muli ang isang sikat na brand ng liver spread, matapos ianunsyo noong nakaraang buwan na hindi rin ito rehistrado sa FDA.