-- Advertisements --

Sugatan ang 24 katao na karamihan ay mga bata matapos na bumigay ang temporary pedestrian bridge sa Finland.

Dinala agad sa pagamutan ang mga biktima ng masugatan dahil sa pagguho ng tulay sa Espoo City sa Helsinki province.

Galing sa isang field trip ang grupo ng grade eigth na mga mag-aaral ng dumaan sila sa tulay.

Gawa sa plywood ang nasabing temporaryong tulay na itinayo habang inaayos ang nasirang tulay doon.